MEDICAL MARIJUANA UMINGAY DAHIL KAY CATRIONA

19catriona

(NI ARDEE DELLOMAS)

INAASAHANG mas mapalalakas ang kampanya upang gawing legal ang medical marijuana sa bansa matapos itong suportahan ni 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sinabi ni Isabela Congressman Rodito Albano, ang main-author ng House Bill No. 180 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act, muling gumawa ng ingay ang isyu ng medical marijuana.

Ito’y dahil sa sagot ni Gray sa question and answer portion ng Miss Universe na pabor siya sa paggamit ng marijuana para sa medical purposes lang.

Aniya, inaasahang muling pag-uusapan sa buong bansa at magkaka-interes ang mga Filipino sa kanyang panukala at puwede ring maging spokesperson si Catriona sa kampanya para sa legalization ng medical marijuana.

Ito’y lalo pa’t malakas na ang kanyang impluwensiya matapos koronahan bilang bagong Miss Universe.

Sa ngayon ay nasa ikalawang pagbasa na ang naturang panukala at inaasahan ni Albano na mabubuksan ulit ito sa pagbalik ng sesyon ng Kongreso sa susunod na taon.

 

6

Related posts

Leave a Comment