MGA COCAINE NA NAREKOBER NG PNP, BIYAHENG AUSTRALIA

albayalde

(NI NICK ECHEVARRIA)

BIYAHENG Australia umano ang mga bloke ng cocaine na sunod-sunud na narekober ng pulisya mula sa ilang bahagi ng eastern seaboard ng bansa. Ito ang ibinunyag ni Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Oscar Albayalde sa isang press conference sa Camp Crame nitong Miyerkules.

“I talked with the Australian counterpart kanina, seemingly lumalabas itong na-recover na more than 100 kilos of cocaine, to be exact is 111 kilos of cocaine from the eastern seaboard of our country ay parang nanggaling ito somewhere sa Pacific Ocean, pero ito ay hindi for delivery sa Pilipinas,” Albayalde told reporters.

Ginawa  ni Albayalde ang pagbubunyag sa inilunsad na Philippine Internet Crimes Against Children Center (PICACC) sa Camp Crame nitong Miyerkules matapos makausap at makasama  ang ilang mga opisyal ng Australian Federal Police at iba pa nilang mga counterparts na dumalo.

“Ang possibility nito ay for delivery ito sa Australia. Isa iyon, that’s a big possibility. Kasi according to the Australian police, medyo maganda ang value, market value ng cocaine doon sa lugar nila,” ayon sa hepe ng pambansang pulisya.

Ipinaliwanag pa ni Albayalde na posibleng inanod lamang at napadpad sa mga baybaying dagat ng bansa ang mga narekober na bloke-blokeng  cocaine habang idine-deliver ito.

“So we think na ito ay naanod talaga sa atin. Naanod sa atin ito, most probably, either nagcapsize o talagang di-nump ito and then babalikan na lang natin,” pagtatapos ni Albayalde.

251

Related posts

Leave a Comment