MGA MAGSASAKA NAUUBOS SA EJK

Pagpatay, ipinapasa sa NPA

BAGAMAN patanda nang patanda ang mga magsasaka sa bansa, inuubos pa sila sa pamamagitan ng extra judicial killings.

Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao matapos umanong patayin ang isang magsasaka na si Pelagio Compoc ng Barangay Dagohoy, Bilar, Bohol.

Ayon kay Casilao, si Pelagio ang ika-224 na biktima ng EJK sa panahon ni Pangulong Rodrigo Duterte samantalang ang ipinaglalaban lamang umano ng mga magsasakang katulad ng nasawi ay magkaroon ng sariling lupa at makatotohanang programa sa agraryo.

“Killing of peasants asserting their right to land has been the template of previous and current governments. We condemn the killing of Pelagio Compoc,” pahayag ni Casilao.

Nangangamba ang dating mambabatas na kapag magpatuloy ang pagpatay sa mga magsasaka ay malaki ang magiging epekto nito sa food security ng bansa dahil inuubos na nga ang mga ito.

Iginiit ni Casilao na hindi makatarungan ang ginagawa aniya sa mga magsasaka na pinagbibintangan at mga  rebelde o kaya supporters ng New People’s Army (NPA).

Malaki ang hinala ng mambabatas na mismong ang mga ahente ng pamahalaan ang nasa likod ng mga pagpatay sa mga magsasaka upang maipasa naman sa mga rebeldeng grupo na target ng kampanya ng pamahalaan.

Sinabi ni Casilao na ang biktima sa estilong ganito ay mga ordinaryong mamamayan tulad ng mga magsasaka.

“We urged the public to enrage over the continuing killing of our food producers and to demand justice to all the victims of state-sponsored terrorism,” pahayag ni Casilao.

“We should intensify our condemnation over these attacks against farmers. Perpetrators and abettors of these barbaric acts must be held accountable,” dagdag pa nito.

144

Related posts

Leave a Comment