MGA PULITIKO RAMBULAN ULIT SA DSWD FUNDS

dswd1

(NI BERNARD TAGUINOD)

TIYAK na magpipista ulit ang mga pulitiko sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginawa ni ACT party-list Rep. Antonio Tinio ang nasabing pahayag matapos bawiin ni DSWD Secretary Rolando Bautisa ang DSWD Memorandum Circular No. 9 na inisyu ni dating Secretary Judy Taguiwalo noong Agosto 2016.

“With Bautista at the helm, the use of DSWD funds as pork barrel of legislators has returned with a vengeance,” ani Tinio.

Ang nasabing memorandum ay inilabas ni Taguiwalo bilang pagsunod aniya sa desisyon ng Korte Suprema noong 2013, na nag-abolish sa Priority Development Assistant Funds (PDAF).

Sa ilalim ng nasabing memorandum, kahit mayroong mga request letter ang mga pulitiko sa DSWD para ihingi ng tulong lalo na sa aspeto ng pinansyal, ang kanilang mga constituent ay hindi ito otomatikong aaprubahan.

Kailangang dumaan pa rin ang mga nirerequest ng mga pulitiko sa tamang proseso at susundin ang sariling patakaran ng ahensya sa pagtulong sa mga nangangailangan ng tulong.

Sinabi ni Tinio na ang ginawa ni Taguiwalo ay para protektahan ang “….social welfare funds from being used for political patronage” dahil bago ang DSWD MC. 9 ay kaliwa’t kanang ang request ng mga pulitiko sa ahensya para tulungan ang kanilang mga contituent.

Tinutulan ito noon ng mga mambabatas na ayos sa mga impormasyon ay kabilang ito sa mga dahilan kung bakit hindi kinumpirma ang appointment ni Taguiwalo bilang Secretary ng DSWD.

Gayunpaman, imbes na ituloy ni Bautista, ayon kay Tinio, ang nasabing memorandum ay binawi niya ito kaya inaasahan na gagamitin na naman umano ng mga pulitiko ang ahensya para magpalakas sa kanilang mga constituent lalo na’t malapit na naman ang eleksyon.

 

 

140

Related posts

Leave a Comment