(NI NELSON S. BADILLA)
IDINIIN ng isang research group na ang minimum na sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila na P537 kada araw ay kulang ng 46.5 porsiyento sa aktuwal na halaga ng panggastos araw-araw.
Ayon sa Ibon Foundation, ang P537 sahod ng mga manggagawa kada araw sa Metro Manila ay napakalayo sa P1,004 family living wage (FWL) na dapat matanggap ng bawat manggagawa mula sa kanilang amo.
Bagamat ang P537 sweldo ang siyang pinakamalaki sa buong bansa, naniniwala ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa tulad ng Federation of Free Worers (FFW), Partido Manggagawa (PM), Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), at Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na kulang na kulang ang halagang ito.
Kapos na kapos na nga ang sahod kada araw, lalo pang numinipis ang halaga nito dahil sa walang patid na pagtaas ng presyo ng mga bilihin dulot ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong langis, wika ng Ibon.
Binatikos din ng Ibon ang sinasabi ng administrasyong Duterte na umaabot sa mahigit 6.0 porsiyento ang gross domestic product (GDP), samantalang palala nang palala ang kahirapang kinakaharap ng mga mamamayang Pilipino, patuloy ng grupo.
163