MOSYON NI TRILLANES TINANGGIHAN NG KORTE

trillanes200

TINANGGIHAN ng Pasay City judge ang petition to quash sa inciting to sedition case ni Senador Antonio Trillanes dahil sa kawalan ng merito.

Kinasuhan si Trillanes noong Marso 2018 ng inciting to sedition na nag-ugat sa privilege speech na nananawagan sa military na magkaisa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Una na ring kinontra ni Trillanes na ang pagkumbinsi sa mga tao na pumirma sa petisyon para patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte ay hindi maituturing na krimen higit ang sedisyon.

Itinanggi naman ito ni Pasay City Metropolitan Trial Court Branch 45 Judge Remiebel Mondia sa resolusyon na inilabas noong Pebrero 22.

Ang reklamo ay isinampa ng grupo ng mga abogado na ibinase sa speech ni Trillanes noong Oktubre 3, 2018.

Sinabi ni Trillanes sa kanyang speech na “Kung makikita ito ng mga sundalo, M60 machine gun ang gagamitin sa ‘yo. Marami-rami itong maubos na magazine kung P40 million hinahanap mo Mr. Duterte.”

 

106

Related posts

Leave a Comment