BARBIE AMINADONG NASAKTAN SA BREAKUP WITH JM

barbie imperial12

I SAY(NI RK VILLACORTA)

MALALIM ang sakit na naiwanan ng pakikipagrelasyon ni Barbie Imperial kay JM de Guzman.

Iba ang karanasan na nilikha ng hiwalayan nilang dalawa.

Napanood ko recently ang interbyu ni Kuya Boy Abunda sa young actress sa nightly show nito na “Tonight with Boy Abunda” na for the first time ay inamin ng dalaga na masyado siyang nasaktan sa pakikipagrelasyon sa aktor.

Same thing with Barbie’s ex-boyfriends like Ryle Tan, Paul Salas, at si JM nga na tila iisa ang kategorya ng tatlo na “nega” ang experience ng young actress sa kanila.

Pero kung titingnan at susuriin, napakadaling ma-in love ng young actress.

After na maghiwalay sila ni Paul na may “physical abuse” na kasama raw sa hiwalayan nila (na ayaw aminin ng dalaga) ay napakadali naman niyang na-in love agad kay JM na na­ging boyfriend niya in just a few months of courtship.

May pinagdaraanan pa si Barbie nang pumasok sa pakikipagrelasyon kay JM na tulad niya ay may hugot din from a previous romance.

Mahirap nga na both of them ay pumasok sa isang relasyon na binuo ng dalawang parehong puno ng bubog at pasakit.

Ang ending ay mas masakit na lovelife na magtatapos din pala sa wala. Dagdag pasakit lang imbes na may magandang karanasan ang maiiwan.

 

 

87

Related posts

Leave a Comment