MS. UNIVERSE CATRIONA GRAY SA KAMARA

cat22

(NI BERNARD TAGUINOD)

NAG-COURTESY call si reigning Miss Universe Catriona Gray sa Mababang Kapulungan ng Kongreso  kung saan  ginawaran ito pagkilala sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon, nitong Biyernes.

Gayunpaman, hindi si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo ang humarap kay Gray dahil mayroon itong pulong sa Palasyo ng Malacanang kaya si House Deputy Speaker Mercedes “Chedeng” Alvarez ang tumanggap sa kanya.

“It is with great pride and honor for the House of Representatives to have this privilege to meet reigning Miss Universe.As legislators, let us be reminded of her story and like her see situations with a silver lining,” ani Alvarez.

Sinabi ng mambabatas na ang Kamara ay kaisa sa adbokasiya umano ni Gray sa kapakanan ng mga kabataan lalo na ang mga nakatira sa mga mahihirap na komunidad.

Bago ito, sinabi ni Catriona na handa itong matuto pa sa kalagayan ng bansa matapos makausap ang ilang mambabatas bago ang seremonya sa Speaker’s Social Hall sa Kamara.

“Thank you so much for the very warm welcome. It is such a wonderful opportunity to see and speak with the leaders of our country. I am very much open to having conversation with you and learn more about the state of our nation. I hope to be back very soon,” ani Gray.

6

Related posts

Leave a Comment