MULA 3-M, BILANG NG ADIK 8-M NA – DU30

(NI CHRISTIAN DALE)

UMABOT na sa walong milyon mula sa tatlong milyon ang bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng ilegal na droga sa bansa, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinagbatayan ng Pangulo ang mga pigura na natanggap niya mula Luzon, Visayas at Mindanao.Ang kanyang naunang pagtataya, umaabot sa tatlong milyong Pilipinong adik ay mula lamang sa report ng mga awtoridad sa Greater Manila Area.

“Sabi ni Bato 1.6 million. Kinu-question nila eh. Sabi naman ni Santiago, it’s about three million. Tama silang dalawa. Iyong counting na ‘yun, Maynila lang. ‘Di ba? Nakikita ninyo sa TV. Nakikita ninyo diyan sa mga barangay, kinukunan footages. But that was account only for the greater Manila area. It never included the true figures in the Visayas, Mindanao, pati ‘yung pataasdoonsa Baguio and up, Cordillera,” paliwanag nito.

“So ilan ‘yan sila? Me? I’d place it about seven to eight million now. Now tell me. There are seven to eight million Filipinos reduced to slaves to a drug called shabu. Seven to eight million lost souls,” ani pa nito.
Magugunitang, nagpahayag ang Pangulo na magiging mas malupit ang drug war sa mga susunod na araw.

157

Related posts

Leave a Comment