GROUNDBREAKING CEREMONY NG MM SUBWAY SA PEB 27

subway

(NI KEVIN COLLANTES)

MAGANDANG balita.

Sa Pebrero 27, Miyerkoles, ay isasagawa na ng Department of Transportation (DOTr) ang groundbreaking ceremony para sa kontruksiyon ng Metro Manila Subway, na kauna-unahang subway sa bansa.

Inaasahang si Transportation Secretary Arthur Tugade ang mangunguna sa naturang groundbreaking ceremony.

Ayon sa DOTr, ang Metro Manila Subway ay hindi lamang magiging kauna-unahang underground railway ng Pilipinas, kundi isa rin sa pinaka- expansive.

May habang 36 kilometro, ang Metro Manila Subway ay magkakaroon ng 15 istasyon mula Quirino Highway hanggang NAIA Terminal 3 at FTI.

Nakakasakop rin ito sa may pitong local governments, dadaan sa tatlong business districts sa Metro Manila, gayundin sa NAIA Terminal 3.

Itinuturing ang Metro Manila Subway bilang ‘project of the century,’ at kabilang sa flagship projects sa ilalim ng Build, build, build program ng administrasyong Duterte.

Sa bilis nitong 80kph, aabot lang sa 31 minuto ang magiging biyahe mula North Avenue patungong NAIA at FTI.

Target ng DOTr na sa taong 2022 ay maging partially operational na ang tatlong unang istasyon ng subway, sa Quirino Highway, Tandang Sora at North Avenue, at maging fully operational na proyekto sa taong 2025.

“In its first year of full operations alone, the seminal underground rail system is expected to serve up to 370,000 passengers per day, with a capacity of serving up to 1.5 million passengers per day,” anang DOTr.

Tiniyak naman ni Tugade na wala nang makakapigil sa konstruksiyon ng Metro Manila Subway.

“Our countrymen will finally see that the dream of a railway system running underground in this country is soon becoming a reality. Of course there will be some inconvenience along the way, but that is nothing compared to the long-lasting comfort this project will bring to the Filipino people,” ani Tugade.

Pebrero 20 nang lagdaan ng DOTr ang pangunahing kontrata o unang bahagi ng design at build contract para sa unang tatlong istasyon ng Metro Manila Subway project, o ang partial operability section.

 

 

182

Related posts

Leave a Comment