MULTA SA MWSS DAPAT IBIGAY SA CONSUMERS — SOLONS

mwss55

(NI BERNARD TAGUINOD)

KUNG mayroong dapat makinabang sa P1.8 bilyon na  ipinataw  ng Korte Suprema na multa sa mga water concessionaires dahil sa hindi pagsunod sa Clean Water Act, ay ang mga consumers.

Ito ang iginiit ng mga mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil galing sa mga consumers ang kanilang gastos sa pagpapatayo ng sewerage system na hindi nila ginawa kaya pinagmulta ng Korte Suprema.

“The P1.843 billion fine should also go to consumers because it is them who are shouldering the expenses of the water concessionaires thru the sewerage and sanitation fees but obviously Maynilad and Manila Water are not using these fees for their intended purpose,” ayon kina  Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Neri Colmenares.

Ganito rin ang nais mangyari ni Buhay party-list Rep. Lito Atienza dahil buwan-buwan ay naniningil ng 20% sa kabuang bill ng mga consumers ang Manila Water at Maynilad para pagpapatayo ng sewerage system.

“Niloloko nila tayo, bayad tayo ng bayad, pero wala namang serbisyong nabibigay. Hindi nila tinutupad ang kanilang obligasyon kay Juan dela Cruz,” ani Atienza na ikinatuwa ang desisyon ng Kataas-taasang Hukuman.

Kasabay nito, sinabi ni Colmenares na bababala rin ang nasabing desisyon ng Korte Suprema sa mga kumpanyang nagtatapon ng kanilang dumi sa Manila Bay kaya dapat umayos na umano ang mga ito.

Ayon kay Colmenares, darating ang araw na pagmumultahin ang mga kumpanyang dumudumi sa Manila Bay tulad ng nangyari sa Manila Water at Maynilad dahil binababalewala ng mga ito ang batas.

265

Related posts

Leave a Comment