UNDERWEAR NA CAMPAIGN MATERIAL OK SA COMELEC

panty

(NI MITZI YU)

IPINAGTANGGOL ng Commission on Elections ang paggamit ng underwear bilang campaign material sa 2019 polls matapos mag-viral ang isang konsehal mula sa Quezon City na namigay umano ng panty na may pangalang nakasulat.

Ayon kay Comelec spokesperson Director James Jimenez, walang masama sa pamimigay ng panty dahil wala itong pinagkaiba sa distribusyon ng t-shirts o sumbrero na may pangalan ng pulitiko.

Mas nagiging innovative lang aniya ang mga pulitiko ngayong 2019 sa campaign strategies para masungkit ang tagumpay sa eleksyon.

Paliwanag pa ni Jimenez, wala namang batas na nagbabawal sa paggamit ng underwear sa pangangampanya at sa halip ay nakatulong pa ito para makakuha ang konsehal ng atensyon mula sa publiko at mahabang air time.

Gayunman, nagbabala ang poll body official na maaaring makaapekto ito sa kandidatura dahil ididikit na sa pangalan ng pulitiko ang panty at bunsod na rin ng cultural sensitivity.

21

Related posts

Leave a Comment