NAMFREL TINANGGIHAN SA ‘ACCESS’: KALITUHAN INIIWASAN – POLL BODY

namfredl12

(NI HARVEY PEREZ)

AYAW lamang umano ng Commission on Elections (Comelec) na malito ang publiko kung kaya hindi nila binigyan ng access sa key election data ang National Citizens’ Movement for Free Elections (Namfrel) sa darating na midterm elections sa Mayo 13.

Ito ang naging reaksiyon ni Comelec spokesperson James Jimenez matapos ang pagkalas ng Namfrel bilang accredited watchdog ng Comelec  sa halalan.

Bukod dito, sinabi ni Jimenez na wala sa posisyon ang nasabing usapin dahil maging sila ay walang access sa sinasabing key election data.

Una nang sinabi ni Namfrel treasurer Lito Averia na hindi binigyang halaga ng Comelec ang kanilang hiling na mabigyan sila ng access sa key election data.

Sinabi ni Averia  na ang naturang data ang magbibigay sa kanila ng ideya sa tunay na kalagayan at kaganapan ng halalan.

142

Related posts

Leave a Comment