(NI ROSE PULGAR)
MAY aasahan na rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Subalit nitonog Biyernes, pinangunahan ng kumpanyang Phoenix Petroleum ang pagbawas na nasa P1 kada litro sa gasolina habang P0.80 kada litro naman sa diesel na epektibo ng alas-12:00 ng tanghali (May 4).
Inaasahan naman ang pagsunod ng iba pang kompanya ng langis kabilang ang tinaguiang “Big 3” tulad ng Pilipinas Shell, Petron Corporation at Chevron, Flying V at PTT Philippines sa kaparehong bawas-presyo sa petrolyo sa Martes (Mayo 7).
Ang bagong price rollback sa petrolyo ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdaigang pamilihan.
Ayon sa Phoenix, layunin ng maagang oil rollback na bigyan ang publiko partikular ang mga motorista ng mas mababang presyo ng petrolyo ng mahabang panahon.
Magugunitang nitong Abril 2,huling nagbaba ng 30 sentimos sa diesel,20 sentimos sa kerosene at 10 sentimos sa gasolina.
358