(NI MAC CABREROS)
MALAKAS ang potensyal na umarangkada ang ekonomiya ng Pilipinas, ayon economic expert.
Ayon Yasuyuki Sawada, chief economist ng Asian Development Bank, malakas na puwersa ang young workforce kung saan bihasa ang mga ito sa pagsasalita ng English.
“The Philippines’ work pool is English-proficient and among the youngest in Asian region, with an average age of 28. This would serve the needs of technology and business process outsourcing companies,” wika Sawada.
Binanggit Sawada na malaki rin ang potensyal o indikasyon na magiging
mabilis ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas kumpara sa karatig-bansa sa Asya.
Tinukoy nito na magiging economic growth driver ang mabilis na paglago sa infrastructure gayundin ang pagpapatupad ng tax reform.
Tinaya ng mga economic expert, kabilang mula sa World Bank, na magiging maganda ang takbo ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kung saan inilista sa 6.4 porsyento at inaasahang aakyat ng isang bahagdan o 6.5
porsyento sa 2020 ang pag-angat ng ekonomiya.
Naiulat na tumanggap ang Pilipinas ng BBB+ credit rating mula sa Standards & Poor.
Gayunman, sinabi ng eksperto na ilang aspeto ang magpapalamlam sa ekonomiya ng Pilipinas tulad ng sakuna gaya ng lindol at bagyo.
Nabatid ng Saksi Ngayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mahigit sa 70 milyon ang nasa tamang edad para magtrabaho.
156