NARCO LIST MAHIGIT 1 TAON ‘TRINABAHO’

pdea

(NI JESSE KABEL)

TALIWAS sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) na wala pa silang hawak na matibay na ebidensiya para sampahan ng kaso ang 46 na tinaguriang narco politician, naglabas naman ng statement ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kung saan sinabing sumailalim sa matinding pagtitiktik ang mga sangkot bago inilabas ang listahan.

Ayon sa PDEA ang  46 narco-politicians, na inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay produkto ng mahigit 14 buwan na  revalidation ng Philippine National Police (PNP), Philippine Drug Enforcement Agency, National Intelligence Coordinating Agency (NICA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at Deparment of Interior and Local Govenrment (DILG).

Kabilang sa listahang inilabas ang tatlong miyembro  ng House of Representatives, isang  provincial board member, 35 mayors, at  7 vice-mayors.

Kinumpirma ng PDEA na bahagi lamang ito dahil may mga personalidad pa umano na kasalukuyang nire-revalidate habang may ilan naman ang inilipat sa civilian list dahil hindi na sila kumakandidato o may hawak na posisyon sa gobyerno.

Nilinaw pa sa inilabas na pahayag ng PDEA na ang mga pangalan ng mga politiko na hindi inanunsiyo ay pakay pa ng patuloy na validation and case build-up ng mga intelligence agencies ng pamahalaan.

Bukod dito ay nagsasagawa rin umano ng hiwalay na pagsisiyasat ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) at  Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) laban sa 46 na umanoy narco politicians .

Magpapadala ng kopya ang PDEA ng  summary of information sa House of Representatives Committee on Ethics and Privilege kaugnay sa tatlong miyembro na napabilang sa talaan

87

Related posts

Leave a Comment