BAHAY NG EX-MAYOR NI-RAID; SHABU, ARMAS NASAMSAM

zambo1

(NI JG TUMBADO)

SINALAKAY ng awtoridad ang bahay ng dating alkalde ng Midsalip, Zamboanga del Sur, matapos lumabas ang pangalan nito sa narco list na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si dating Midsalip Mayor Liwaya Angcap-Paras ay inaresto sa drug raid sa Oroquieta City, Misamis Occidental.

Napag-alaman kay Misamis Occidental Provincial Director Senior Supt. Danildo Tumanda, armado ng search warrant nang salakayin ng mga tauhan ng Oroquieta police drug enforcement unit at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 10, ang bahay ni Angcap.
Itinuturing din na pang pito sa provincial target ng PNP at PDEA si Angcap.

Nakuha ng mga awtoridad mula sa bahay ni Angcap ang ibat ibang uri ng armas at ang nasa 50 gramo ng shabu

85

Related posts

Leave a Comment