NASAL COVID-19 VAX STUDY SINIMULAN

0

PATULOY ang gobyerno sa pagsasagawa ng mga research study at clinical trial hinggil sa mga COVID-19 vaccine na inaangkat ng Pilipinas mula sa ibang bansa.

Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOST vaccine expert panel head Dra. Nani Gloriani, kailangang magpatuloy ang kanilang mga pag-aaral ukol dito lalo na ngayon na marami pang bagong Covid vaccines ang nalilikha na mas ligtas at mas epektibo.

Kung mapapansin aniya, puro injectable pa lamang ang mga available na bakuna sa bansa pero posibleng mayroon nang dumating na intranasal administered vaccine o iyung ipadadaan na lamang sa ilong o pagsinghot.

Sa katunayan, nagsisimula na aniya ang clinical trial ukol dito.

Binigyang-diin ni Gloriani, marami pang mga bagong darating at hindi aniya dapat mabahala dahil ganoon talaga ang medicinal research kung saan may mga pagbabago at mga advanced na teknolohiya para mas ma-improve pa ang safety at efficacy ng isang COVID-19 vaccine. (CHRISTIAN DALE)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment