NATIONAL ID SISIMULAN NA SA SETYEMBRE

gma12

(NI BERNARD TAGUINOD)

SISIMULAN na ang pag-iisyu ng national ID sa mga Filipino sa Setyembre ng taong kasakukuyan.

Ito ang kinumpirma ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo matapos ang isinagwaang House Oversight Committee on Population and Family Relations hearing sa implementasyon ng Republic Act 11055 o Philippine Identification System (PhilSys).

“I am happy that it’s all systems go for the National ID system based on the timeline they have presented to us this morning,” ani Arroyo matapos tiyakin aniya ng mga opisyales ng Philippine Statistic Administration (PSA) na handa na ang mga itong ipatupad ang batas sa Setyembre.

Sa nasabing pagdinig, sinabi ni  Atty. Lourdines Dela Cruz, Deputy National Statistician of the PSA, target ng kanilang ahensya na mabigyan ng National ID ang unang anim million Filipino sa Setyembre at 100 million ID cards pagdating ng taong 2022.

Unang irerehistro umano ang mga katutubo, people with disabilities (PWDs) at mga governmen workers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Maaari na rin umanong ikuha ng mga magulang ng ID ang kanilang mga anak na edad 5 taong gulang at ang numerong ibibigay sa mga ito ay gagamitin nila habang sila ay nabubuhay.

Kabilang sa mga impormasyon na ilalagay sa ID ay ang biometric o thumbprint, iris at face scanning, buong pangalan, kasarian, petsa ng kapanganakan, lugar ng kapanganakan, blood type, lugar kung saan nakatira.

Hindi umano oobligahin ang mga Filipino na isama ang impormasyon sa kanilang ID ang kanilang marital status, mobile number o kaya e-mail address at libre umano ang ID maliban lamang kung mawala ito at kailangang palitan.

“The card will serve as single identification system for all Filipino Citizens and resident aliens which aims to eliminate the need to present other forms of identification when transacting with the government and private sector,” ani Arroyo.

 

141

Related posts

Leave a Comment