Netizens: Anong dahilan? BBM HINDI MAKA-ATTEND NG MEETING SA DA PERO AYAW BUMITAW

NAIINTRIGA ang publiko kung bakit ayaw bumitaw sa kanyang posisyon bilang kalihim ng Department of Agriculture si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. gayung hindi niya magawang dumalo sa mahahalagang pulong ng ahensya.

Sa social media, hinimay ng mga netizen ang mga posibleng dahilan ng pananatili ni BBM sa DA.

Tulad ng inaasahan, umiral ang malilikot na imahinasyon ng mga netizen dahil marami ang naniniwala na malapit sa Palasyo ang mga sangkot sa smuggling na siyang pangunahing dahilan umano kaya nais ni BBM hawakan ang DA.

Matatandaang sa pagdinig sa Kamara, nabisto na hindi dinadaluhan ni Marcos Jr., ang mga importanteng pulong sa DA.

Ito ay inamin mismo ni DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

Sa dalawang group meeting umano ng ahensya sa nakaraang anim na buwan ay hindi dumalo si Marcos kaya tanging top officials ang nagpulong.

Kumambyo naman si Panganiban at sinabing sa kabila ng hindi pagdalo ay nakikipagpulong siya kay Marcos sa Malacañang dalawang beses kada linggo kaya alam aniya ng Pangulo ang nangyayari sa loob ng ahensya.

Subalit hindi ito kinagat ng mga netizen. Mas naniniwala silang proteksyon sa mga smuggler ang dahilan ng pananatili ng Pangulo sa ahensya.
Basahin ang mga komento ng mga netizen:

JC Punongbayan:
We all knew it’s headed here. The presidency itself is already too time-consuming, let alone presidency + agri sec.
So why is Marcos still clinging onto the post?

Azarcazm:
He’s there just for smuggling.

Bing Acuna:
To serve and protect the friend-smugglers, yan lang naman ang objective kasi…and he is doing great at that…

Ron lynch:
Maybe because of the BROTHER IN-LAW!

Ro Agnew:
And no internal protest in DA? Or are they happy that their top honcho is inutile?

JeCh:
Laki kaya ng kita sa pag angkat ng mga agricultural products plus may CF pa na hindi pwedeng malaman saan ginamit.

Joketerte:
Governor nga sya di rin umaattend, ngayon pa kaya pangulo na. Eh sa tamad nyan.

Colleen:
It’s established in the previous senate hearing on sugar smuggling that there’s something fishy going on by ordering the DA undersecretary to “do it ourselves” and not follow the legal process to import.

Speedx:
Also it does not help he has no background nor competency.. what’s worse is he does not have a plan and vision

Marcos Maharlika-watan:
To protect the penguin who is in cahoots with MAmamia the agri-smuggler.

Blue:
Di ko maimagine ang lead ng office or team ay di sumasali sa meetings – kasi wala matinong mai-ambag!

The Eagle Has Landed:
Could he be protecting someone or some group to ensure they continue reaping the benefits of corruption, smuggling in the department)?

McLarenF1:
bff ang mga smugglers…di pa bawi sa donations last election.

We the People:
Pero pag sa travel junket, mabilis si mokong.

fearless mind:
he only wants the title but not the job, hnggang pagvvlog lng tlga kya niyan..

buddy_tayo:
Because of importation control, cartel, and kickbacks?

rockvilleMD:
Simply because wala naman idea para mapabuti hindi lang Agri supply but the entire economy

Icoy Mercado:
wala direksyon ang DA

BobongDDShitApolo10:
Vlogger ang una niyang position.

Paul Caranto:
If these meetings are happening in another country, he’ll be there.

Uno:
Are you sure he is the actual head of the department or someone very close to him?
Kaya hindi mabitawan kasi sobrang malaki kubra jan.

yehbah:
Mag-set kasi kayo ng meeting sa Europe or anywhere that needs international travel. For sure, aattend yan.

Andres Bonifacio:
he is still clinging to the post as DA bec that is where the money and control is. starve the people they will follow. increase the prices bec of the so-called shortage people still buy. food is one of the basic commodity. everyone needs to eat.

262

Related posts

Leave a Comment