NETIZENS CORNER Patutsada ng netizens sa new Senate building P23-B LULUSTAYIN PARA SA COMEDY BAR

PINALAGAN ng netizens ang ulat na aabot sa P23 bilyon ang magugugol sa pagpapatayo ng bagong gusali ng Senado sa Fort Bonifacio, Taguig.

Patutsada nila, masyadong ambisyoso at paglulustay ng pera ang gagawin ng Senado.

Mistula anilang mamahaling comedy bar ang itinatayo ng Senado dahil sa dami ng mga ‘clown’ na gagamit nito.

Anila, sa halip gumugol ng ganun kalaking halaga para lang sa gusali ay mas mainam kung magpatayo na lamang ng mga karagdagang paaralan upang maibsan ang paghihirap ng mga estudyante at guro lalo ngayong tag-init.

Kamakalawa ay ipinatigil ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang konstruksyon ng bagong gusali gayundin ang pagbabayad sa mga bayarin sa mga contractor.

Sa kanyang talumpati sa flag ceremony sa harapan ng mga empleyado, sinabi ni Escudero na hindi rin matutuloy ang paglilipat nila ngayong taon o kahit sa susunod pang taon.

Rerepasuhin muna aniya nila sa pangunguna ni Senate committee on accounts chairman Alan Peter Cayetano ang lumaking pondo para sa konstruksyon ng bagong Senate building.

Mula kasi anya sa P8.9 billion umakyat ito sa P13 billion at ngayon ay kailangan pa ng dagdag na P10 bilyon.

Ikinagulat din ng publiko ang inilahad ni Escudero kaya nagkaisa silang naghayag ng saloobin sa social media.

Marami ang minura ang mga senador at sinabing mga baboy, corrupt at balasubas ang mga ito.

Narito ang iba pang mga reaksyon ng netizens sa nasabing usapin:

mayumi:
Sa mga involve sa planning stage sa purchase of materials permits may kumita dyan.Napaka extravagant ng senado dinaig ang Mall.

thereal:
Paano hindi mag eescalate, tignan nila sino ang mga nag plano nyan, andun lahat ng pondo.

Jack:
di ba may contract yan (my dad is in construction and i know how it works) pero bakit tumaas ang cost? di ba kung ano nasa contract yun dapat ang cost? medyo naguluhan ako ah o baka garapalang kickback kasi

Kutu:
Ano yan skyscraper?! Ang daming pinoy ang kinakapos tapos gusto niyo pa ng bagong building, bakit, di na ba kayo kasya sa luma?

BernVan:
Dating gawi. Siempre, sa una, isip ng project para may tadyak. Tapos, palakihin ang project para mas malaki ang tadyak. Noon pa man ang tanong ay bakit kailangang gumastos ng ganyang kalaki…na uutangin ang perang gagamitin?

iMoymoy:
Bat kailangan pa nila ng magarbong building? Dyn na ba magta-trabaho buong angkan nila? Pag nakita ba ng mga Pilipino kung gaano kagarbo ang building na yan, giginhawa na buhay nila? Sana lang pagdating ng panahon hindi ito maging isang “white elephant project” Hmmmm

arTHANOS:
gawing state university yan.. libo libong students pa ang makikinabang! mga syetnators dun kayo sa brp sierra madre mag session

HAGIYO:
23 billion para lang sa mga clown na senador? Ipagpatyo nyo yan ng school buildings para sa mga kabataan, hospital sa mga probinsya , nyeta gagasta ng malaki puro lang nmn kayo clown sa senado.

37

Related posts

Leave a Comment