DOJ KINALAMPAG SA PETISYON NA ‘NATULOG’ NG 4 TAON

NAGPASAKLOLO kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang isang petitioner na desisyunan ang kanyang inihaing petisyon apat na taon na ang nakalilipas.

Sa liham ng petitioner na si Peter Paul (John) J. Gregorio kay Remulla, bago pa mag-lockdown niya naisampa sa DOJ ang kanyang petition for review.

May kaugnayan ang petisyon sa naging hatol ng Manila City Prosecutors Office sa kaso laban sa National University Inc. Board of Directors, Respondents-Appellees (NPS Docket No. XV-07-INV -19D-02845).

Nabatid noong Abril 22, 2019, inihain ang reklamo para sa palsipikasyon at paggamit ng two falsified deeds of sale.

Hindi naisakatuparan ng affiant ang two deeds of sale na may petsang March 31, 1966 at July 15, 1966 dahil sumakabilang-buhay ito noong March 24, 1966.

Bukod dito, ang isang namatay na tao ay hindi maaaring humarap sa isang notary public at magpakita ng kinakailangang valid ID.

Ang dalawang pekeng kasulatan ay nairehistro sa Registry of Deeds Manila noong 2015 nang ilipat ang pagmamay-ari ng mga parsela ng lupa sa National University Inc.

Bilang patunay ng pagkamatay ng (kamag-anak) affiant, ang sertipiko ng kamatayan na nakuha mula sa National Archives ay isinumite bilang ebidensya.

Sa hindi maipaliwanag na (reklamo) dahilan, ibinasura ng City Prosecutors’ Office-Manila ang reklamo dahilan upang iakyat ang usapin sa tanggapan ni Remulla. (JULIET PACOT)

33

Related posts

Leave a Comment