NETIZENS: GIYERA NI MARCOS VS SMUGGLERS LAWAY LANG

HINDI naniniwala ang mga netizen na seryoso ang kampanya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. laban sa smugglers, hoarders at price manipulators.

Maituturing lang anilang ‘laway’ o bunga ng matatamis na pananalita ang babala kamakailan ng Pangulo laban sa mga pinaghihinalaang dahilan ng pagsirit ng presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produkto sa merkado.

Ito ay dahil sa pagkakaugnay mismo ng ilang malalapit sa Unang Pamilya sa smuggling.

Mababasa sa mga komento sa social media na hindi sineryoso ng publiko ang pagbabanta ng Pangulo.

Mayroon pang nagpayo na unahin ng Pangulo ang kanyang bayaw na si Martin Araneta na napaulat na kasosyo sa negosyo ng isa sa mga pinaghihinalaang sangkot sa smuggling na si Michael Ma.
Matatandaang isa si Michael Ma sa mga nais ipatawag noon ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing dahil sa pagkakasangkot sa smuggling activities sa bansa ngunit sa hindi malamang dahilan ay ‘pinatay’ sa Kongreso ang nasabing imbestigasyon.

Sa Facebook post ng mamamahayag na si Ramon Tulfo, kanya ring binanggit na si Ma ay konektado sa kapatid ni First Lady Liza Araneta Marcos na si Martin Araneta.

Ayon kay Tulfo, vice president si Araneta sa China Philippines United Enterprises (CPUE) kung saan pangulo si Ma.
Narito ang mga komento ng netizens:

SyLicoNgaAko:
So when a fake president says that he will go after hoarders and price manipulators, you know for sure that he is lying.
The price of rice is continuing to surge from ₱50. to ₱60. a kilo.
Kaya pa ba mga pulangaw?

Keefer’s Keeper:
Just found out the hard way today that the rice I usually buy jumped from ₱46 to ₱55. Ano sabi niya? ₱20? Giatay siya.

Adel:
The smuggling and hoarding of agricultural products will never be resolved unless there will be new Secretary of DA. Marcos Jr should step down and appoint somebody who has the proper educational training and substantial experience.

Audburn:
Habulin nya nga friends nya.

megsie:
Who is he really talking to? Don’t couples talk to each other? Na sa isang bahay lang naman sila.

Rene Noriega:
LOL! No one goes against his or her family’s interest.

Furmomma:
Again, lip service
No actual immediate actions are in order.

ptrtuason:
BBM is the #1 fake news peddler.

Ar Stella Severino:
Hahaha sounds like duterte when he said the same thing to drug lords … see what happened! Naging Mas prosperous pa ata mga negosyo ng mga drug lords na mga yan. Same thing will happen with these smugglers & hoarders.

Ronnie Tuason:
Sabihin mo yan sa kaibigan mo!

Ernesto:
Nasa inner circle mo….

Cognac Castillo:
Naku, kung pipigilin ang smuggling, saan na kukunin ang supply ng mga Kadiwa stores?

Zia Valencia:
Lip service to satisfy the spectators

We the People:
I think he doesn’t have to look too far to find who those hoarders are. Kunwari pa siya hindi niya alam sino.

VergelZ:
Pfft, isang taon na yang smuggler/hoarder, sibuyas, asukal, etc, hanggang ngayon nagbibilang pa lang kayo ng araw? Gutom na kami.

roselyn:
“Your days are numbered”- M. Romualdez
“Bilang na ang araw ng mga Smugglers at Hoarders” – Bbm

Nakapagnegosyo na uli ang huhulihin nyo anong petsa na. Ang tanong…mahuhuli ba talaga ang tunay na salarin

232

Related posts

Leave a Comment