NINOY ASSASSINATION TUMAPOS KAY MARCOS

HINDI na mabubura sa kasaysayan na lumaya ang Pilipino sa corrupt at mapang-abusong rehimen ng dating diktador na si Ferdinand Marcos Sr., bukod sa naibalik ang demokrasya nang patayin si dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino Jr., 40 taon na ang nakararaan.

Ito ang bahagi ng pahayag ng pangulo ng Liberal Party (LP) na si Albay Rep. Edcel Lagman sa 40th death anniversary ni Aquino kahapon.

“Filipinos manifest their love of country in different ways like doing their civic duty, crusading for meaningful reforms, resisting oppression and repression, campaigning for a change in abusive and derelict national leadership, and even sacrificing their life for the motherland,” ani Lagman.

Nagawa aniya lahat ito ni Aquino nang itaya nito ang kanyang buhay para maibalik ang demokrasya sa bansa na hanggang ngayon ay tinatamasa ng sambayanang Pilipino.

Ayon sa mambabatas, alam ni Ninoy na papatayin siya pagbalik ng Pilipinas, sa kabila nito ay umuwi pa rin siya para sa pagmamahal sa bayan ngunit bago nakababa sa eroplano noong Agosto 21, 1983 ay binaril ito sa ulo sa tarmac ng Manila International Airport.

“His heroism galvanized the beginning of the end of the strongman rule of Ferdinand Marcos. The assassination of Ninoy Aquino truly changed the course of Philippine history. It ignited widespread outrage and triggered national protests against the corrupt, despotic, and oppressive regime of Marcos,” ani Lagman.

Ang brutal na pagpatay aniya kay Ninoy kahit tanghaling tapat at sa harap ng maraming tao ay larawan ng brutal at kalupitan ng rehimeng Marcos sa pagpapatahimik sa mga kanyang mga kritiko.

Gayunpaman, naging dahilan ito para magkaisa ang lahat ng anti-Marcos group at nagkaroon ng lakas ng loob ang mga Pilipino na magsalita at lumaban para tapusin ang tiwali at mapang-abusong gobyerno.

“The People Power Revolution of 1986 toppling the Marcos dictatorship was one of our finest moments epitomizing the strength and courage of the Filipino spirit and our steadfast determination to end tyranny, brutality, and corruption,” ani Lagman.

“Ninoy Aqunio’s death was the shining beacon that lit the path at EDSA culminating in the people’s overthrow of the dictator Marcos,” dagdag pa nito.

Magkaisa – PBBM

Kaugnay nito, nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa sambayanang Pilipino sa paggunita ngayong Lunes, ng Ninoy Aquino Day.

Hinikayat ng Pangulo ang mga Pilipino na isantabi ang “political differences” at magkaisa para sa kapakanan at pag-unlad ng bansa.

“I stand united with all Filipinos worldwide in commemorating the Ninoy Aquino Day. By standing for his beliefs and fighting for battles he deemed right, he became an example of being relentless and resolute for many Filipinos,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang mensahe.

“In our purposive quest for a more united and prosperous Philippines, let us transcend political barriers that hamper us from securing the comprehensive welfare and advancement of our beloved people,” dagdag na wika nito.

Hinikayat din ng Punong Ehekutibo ang mga Pilipino na humugot ng inspirasyon mula sa “indomitable spirit” ni Ninoy.

Samantala, nakiisa rin ang lokal na pamahalaan ng Maynila at nag-alay ng bulaklak sa mismong bantayog ni Ninoy sa kanto ng Padre Burgos Avenue at Roxas Blvd.

Dinayo rin ng iba’t ibang grupo kabilang ang mga siklista mula Southern Metro Manila ang bantayog.

Bantay sarado naman ng Manila Police District (MPD) Station-5 ang paligid ng bantayog ng mag-asawang Aquino upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan dito.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District – Sta. Cruz Police Station 3, alas-7:00 ng umaga nang magsimulang magtipon-tipon ang ilang grupo para sa ginanap na seremonya.

Si Police Captain Arnel Sinahon ang inatasan ni Gutierrez, na mangalaga sa seguridad at kapayapaan sa kabuuan ng programa.

(BERNARD TAGUINOD/CHRISTIAN DALE/RENE CRISOSTOMO)

378

Related posts

Leave a Comment