(NI ABBY MENDOZA)
ISINUSULONG ng dalawang mambabatas ang pagkakaroon ng quality time ng mga estudyante sa kanilang pamilya sa pamamagitan ng pagbabawal na sa pagbigay ng assignment sa mga estudyante.
Sa oras na maisabatas, ang mga guro na magbibigay ng assignment sa kanilang mga estudyante kapag weekends ay mapapatawan ng P50,000 multa at hanggang dalawang taong pagkakakulong.
Inihain sa Kamara ni Quezon City Rep. Alfred Vargas ang House Bill 3883 na ipagbawal na ang pagbibigay ng homework kapag weekend.
Layon ng panukala ni Vargas na mabigyan ng kalidad na oras ang mga estudyante at kanilang mga magulang kapag weekends lalo at sa buong linggo ay abala ang mga estudyante sa kanilang pag-aaral habang ang mga magulang naman ay abala sa pagtatrabaho.
“The bill aims to promote and protect the physical, moral, spiritual, intellectual and social well-being of the youth to the end that the youth realize their potential for improving the quality of life must always be observed.The bill also seeks to enjoy their free time from the precisions of school during weekends and to be able to have a quality time with their family and friends,”ani Vargas.
Sa oras na maisabatas, mapapatawan ng parusa ang mga guro na hindi susunod.
Samantala isang panukala naman para sa No Homework Policy ang isinusulong ni House Deputy Speaker Evelina Escudero.
Sa ilalim ng House bill 3611 ni Escudero, magkakaroon ng no-homework policy ang Department of Education mula kinder hanggang high school, nakapaloob din sa panukala ang pagbabawal sa mga estudyante na iuwi ang kanilang mga libro upang maging magaan sa kanilang araw-araw na dalahin.
Ani Escudero kapuna puna ang mag estudyante na nakukuba na at hirap sa pagdadala ng kanilang mga mabibigat na bag gayong maari naman itong iiwan sa kanilang mga classroom.
Karaniwan umano na maghapon na ang mga estudyante sa kanilang mga klase subalit inaabot pa ng hanggang gabi para sa paggawa ng kanilang mga assignments at kinabuksan ay muling papasok ng maaga nang wala nang quality time sa kanilang pamilya at ang iba ay walang sapat na pahinga.
“This bill will not only lighten the physical burden of schoolchildren and promote quality family interaction but will also compel schools and teachers to come up with a more holistic and effective pedagogy,”giit ni Escudero.
Naniniwala si Escudero na ang mga dapat na gawin ng mga estudyante ay dapat isagawa na sa loob ng kanilang mga classroom upang pag-uwi sa kanilang bahay at magkaroon naman ng relaxation at maalagaan ang sarili.
“Homework assignments can deprive students and parents precious quality time for rest, relaxation and interaction after school hours and even on weekends,” pagtatapos pa ng mambabatas.
158