‘NO VACCINATION, NO ENROLLMENT POLICY’ PAG-AARALAN

measles

(NI KEVIN COLLANTES)

TINIYAK  ng Department of Education (DepEd) na pag-aaralan nila ang suhestiyon ng Department of Health (DoH) na magpatupad ng “No vaccination, no enrollment policy” sa mga pampublikong paaralan.

Ito’y kasunod na rin ng pagkakaroon ng measles outbreak sa ilang rehiyon sa bansa. Sinabi ni Education Secretary Leonor Magtolis Briones, pag-aaralan nila ang panukala at ang mga karapatan ng mga mag-aaral ang pangunahin nilang ikukonsidera bago ito tuluyang ipatupad.

“As much as there is a growing need to reinvigorate the campaign for the importance of vaccination, the proposed policy must take into consideration the human rights of learners, especially their access to quality basic education,” bahagi ng pahayag ni Briones.

“While DepEd is looking into different ways to regain the confidence of parents in immunization, the agency has made commitments with DOH in ensuring that the learners are protected,” aniya pa.

Sakali naman aniyang tuluyan na ngang maipatupad ang naturang “No vaccination, no enrollment policy” ay magpapatupad ng ilang panuntunan ang DepEd.

Kabilang dito ang pagbibigay ng consent form at evaluation form, na magka- categorize sa mga mag-aaral na bilang “vaccinated,” “doubtful,” at “not vaccinated.”

Kailangan ding beripikahin ang school records at vaccination cards; mangalap at magbahagi ng mga data sa bilang ng mga batang naapektuhan na ng tigdas; makipag-ugnayan sa mga health center staff sa mga mag-aaral na absent at sa mga magulang na hindi nagbigay ng consent sa pagbabakuna.

Tiniyak naman ni Briones sa mga mag-aaral, mga magulang at mga non-academic personnel, at stakeholders na ang DepEd ay patuloy na makikipag-ugnayan sa DOH sa monitoring ng measles cases at pagpapalakas pa ng pagsusumikap na labanan ang karamdaman.

Una nang nagdeklara ng measles outbreak ang DOH sa Metro Manila at ilan pang rehiyon sa bansa.

94

Related posts

Leave a Comment