Obligadong gawing pribado BAKUNA NI DIGONG SA PWET ITUTUROK

HINDI na magbabago ang desisyon ng Malakanyang na gawing pribado ang pagpapabakuna ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na sinabi na mismo ng Chief Executive na kanyang ipatuturok ang bakuna sa likuran at maselang bahagi ng kanyang katawan.

Kaya’t malinaw lamang aniya na hindi talaga puwedeng maisapubliko ang vaccination process na isasagawa sa pangulo.

Siniguro naman ng Malakanyang sa mamamayan na sakali’t matapos ang pagpapaturok ng Chief Executive ay agad nilang isasapubliko ang mga prosesong isinagawa rito. (CHRISTIAN DALE)

57

Related posts

Leave a Comment