EO SA PRICE CEILINGS NG KARNENG BABOY ILALABAS NG MALACANANG

KINUMPIRMA ni Senador Christopher Bong Go na nakatakdang maglabas ng executive order si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa price ceilings sa presyo ng baboy at manok.

Sinabi ni Go na sa lalong madaling panahon ay ilalabas ang nasabing EO at tiniyak sa publiko na babalansehin ng gobyerno ang interes ng mga consumer at negosyante.

“Parati ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng pangulo,” sabi ni Go.

Tiniyak din ng senador sa mga stakeholders na palaging babalansehin ng gobyerno ang interes ng mga consumer at negosyante.

Sinabi pa ng senador na nakipag-usap na ito kay Department of Agriculture Secretary William Dar para madagdagan ang Minimum Access Volume (MAV) para sa karneng baboy para matiyak ang local
pork supply at mabalik sa normal ang presyo nito sa buong bansa. (NOEL ABUEL)

77

Related posts

Leave a Comment