OBRERO NAIINIP NA SA WAGE INCREASE

(BERNARD TAGUINOD)

KAILANGAN na ang legislated across-the-board wage increase dahil hindi na kayang hintayin ng mga obrero ang aksyon ng mga regional wage board sa hinihingi nilang umento sa sahod.

“Workers can no longer afford to wait for the regional wage boards to act,” pahayag ni House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza sa kanyang House Bill (HB) 7871 o Wage Recovery Act of 2023.

Base sa nasabing panukala, nais ng mambabatas na dagdagan ng P150 ang minimum wage sa lahat ng mga manggagawa sa buong bansa.

Mas mababa ito sa P750 dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa buong bansa na hinihirit ng Makabayan Bloc sa Kamara na nakapaloob sa kanilang House Bill (HB) 7658.

“Since late last year, TUCP was already calling on the wage boards to address the steady decline in the real value of wages due to surging inflation but TUCP’s call fell on deaf ears,” ayon sa mambabatas na kinatawan ng TUCP party-list.

Kailangang kumilos na aniya ang Kongreso para dagdagan ang sahod ng mga manggagawa dahil habang tumatagal ay paliit nang paliit ang halaga ng kanilang kasalukuyang sahod.

Ang mga manggagawa sa Metro Manila ay tumatanggap ng P570 sahod kada araw habang mas mababa sa ibang rehiyon lalo nasa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na P350 lang ang daily minimum wage.

“Our workers today are not just trapped in low-quality jobs, their already low wages are further depressed such that the ₱570 minimum wage in NCR translates to a real value of a measly ₱482,” ani Mendoza.

Dahil dito, nananatiling mahirap aniya ang mga manggagawang Pilipino dahil sa kaliiitan ng minimum wage lalo na’t patuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

130

Related posts

Leave a Comment