ALL-OUT WAR PINAKAKASA VS. E-SABONG

DAPAT ituring ng mga awtoridad na malaking hamon ang pahayag ni suspended Cong. Arnolfo Teves na hindi maipatitigil ang operasyon ng online sabong.

Ito ang binigyang-diin ni Senate committee on public order and dangerous drugs chairman Ronald ‘Bato’ dela Rosa kasabay ng panawagan sa mga awtoridad na maglunsad ng all-out war laban sa e-sabong.

Lumitaw kasi sa pagdinig ng komite na hindi lang mga pulis kung hindi maging mga opisyal at tauhan ng National Bureau of Investigation ang tinatakot at hinaharass ng kampo umano ni Teves kapag pinakialaman ang operasyon ng e-sabong.

Sinabi ni dela Rosa na kapag hindi natigil ang talamak na e-sabong, malamang umabot sa punto na maraming tiwaling uniformed personnel ang ma-recruit na maging hitman.

Ang pahayag ng senador ay kasunod ng pagharap sa pagdinig ng Senado ng regional director ng NBI sa Cebu na si Atty. Renan Augustus Oliva.

Si Oliva ang nanguna sa operasyon sa e-sabong sa Minglanilla, Cebu kung saan naaresto ang mga operator at empleyado na nasa akto na nagsasagawa ng livestream ng online sabong. (DANG SAMSON-GARCIA)

315

Related posts

Leave a Comment