(NI BETH JULIAN)
TATLONG porsyento ang itinaas ng remittance na ipinadadala sa Pilipinas ng mga Pinoy na nagtatrabaho mula sa ibang bansa noong 2018.
Ito ang inihayag ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Nestor Espenilla Jr., kung saan ayon dito ay umabot sa $32.2 bilyon ang personal remittance noong 2018.
Itinuturing na ito na ang pinakamataas na taunang remittance sent o pumapasok sa bansa na ipinadadala ng mga Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa.
Kabilang sa mga lugar kung saan nagtatrabaho ang mga Filipino para makapagpasok ng pera ay ang Saudi Arabia, Amerika, United Arab Emerates, Japan, Singapore, Qatar, United Kingdom, Canada, Hongkong at Germany.
185