OFWs NA MAY HIV ‘DI MAAWAT SA PAGDAMI

aids

(NI BERNARD TAGUINOD)

TILA hindi maawat ang pagdami ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na nahahawa sa kinatatakutang Human Immunodeficiency Virus (HIV), sa kabila ng matinding paalala sa mga ito na mag-ingat habang nasa ibang bansa.

Ito ay matapos umabot sa 78 OFWs ang nahawa o nagkaroon ng HIV noong Abril base sa datos na inilabas ng ACTS-OFW Coalition of Organizations kaya umaabot na sa 347 ang nagkaroon ng sakit ng mga bagong bayani simula noong Enero 2019.

Base sa nasabing grupo na pinamumunuan ni dating congressman Aniceto Bertiz III, kabilang ang mga OFWs na ito sa 296 na natuklasang nagkaroon o nahawa ng HIV noong Abril.

Mas mataas ito sa 296 na kasong naitala noong Enero hanggang Abril 2018 kaya lubhang nakababahala na patuloy ang pagdami ng mga OFWs na nagkakaroon ng nasabing sakit na hanggang ngayon ay wala pang natutuklasang lunas.

Base sa bagong kaso, 69 sa mga ito ay mga lalaki habang 9 ay mga babae kaya patuloy pa rin ang apela ng dating mambabatas sa mga Filipino na nangingibang bansa na mag-ingat sa pakikipagrelasyon.

Ito ay dahil umaabot na sa  6,602 OFWs ang natuklasang may HIV mula noong 1984 o 10% sa 66,303 Filipino na nagkaroon ng nasabing sakit sa nakaraang 35 taon nang simulan ng bansa ang kampanya laban sa HIV-AIDs.

“The OFWs in the registry worked abroad within the past five years, either on land or at sea, when they were diagnosed HIV-positive,” ani  Bertiz kung saan karamihan sa mga ito ay taga-Metro Manila (2,218 kaso); Calabarzon (1,148 kaso) at  Central Luzon na may 772 kaso.

Sa nasabing bilang, 86% dito o 5,704 ay mga lalaki at  898 ay mga babaeng OFWs kung saan, 72 sa mga biktima ay nakuha ang sakit sa MSM o men who have sex with men habang ang natitirang porsyento ay nakipagtalik sa lalake at babae.

169

Related posts

Leave a Comment