OFWs tinuring na basura MALAKANYANG RUMESBAK SA MIGRANTE

NIRESBAKAN ng Malakanyang ang Migrante International sa pahayag nito na ang mga Overseas Filipino worker ay itinuring na parang basura nang bumalik sa bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ani Presidential spokesperson Harry Roque, tinratong VIPs ang mga OFW.

“Inuwi po natin ang lahat ng manggagawa natin. Binigyan ng libreng PCR [polymerase chain reaction] testing. Binigyan ng libreng pamasahe sa eroplano, sa bus at sa barko,” ayon kay Sec. Roque sa Laging Handa public briefing.

“Hindi po ‘yan garbage-like treatment. VIP treatment po ‘yan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Kahapon, nasa 22,426 OFWs na ang nakauwi sa kani-kanilang lalawigan matapos ang testing at quarantine na isinagawa sa kanila.

Nauna rito, naglabas ng pahayag ang grupo ng Filipino migrant workers na nagsasabing “dumped like garbage” ang mga OFW sa mga paliparan matapos na maipit sa Metro Manila ng ilang linggo.

“Famished and made to sit close to heaps of junk airport equipment, our kababayans whom the government repeatedly tag as ‘modern-day heroes’ are treated like outcasts as they haplessly await for their provincial flights,” ayon sa Migrante International.

Inaasahang patuloy ang pagpapauwi sa mga OFW na nakatapos na ng quarantine at nagnegatibo sa COVID-19 sa mga susunod na araw. CHRISTIAN DALE

201

Related posts

Leave a Comment