OLIGARCHS SAGABAL SA PANGULO – GO

(NI NOEL ABUEL)

IGINIIT ni Senador Christopher Bong Go na sa simula pa lamang ng  termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay puspusan na ang papatupad nito ng mga reporma at pagbabago sa gobyerno at sa buong bansa.

Aminado ang senador na bagama’t marami na ang nagawa ng  Pangulo ay marami rin ang hindi nito maisakatuparan dahil  mayroong puwersa na humahadlang sa kanya.

Giit ni Go, mistula aniyang  ayaw ng mga ito na magtagumpay  ang mga programa ni Pangulong  Duterte kabilang na ang mga mayayamang  negosyante sa bansa.

Inihalimbawa nito ang kaso ng mga water concessionaires na ginigipit ang mamamayan sa pamamagitan ng  suplay ng  tubig na importanteng  kailangan ng  tao para mabuhay.

Iginiit nito na ayos lang naman sanang magpatupad ng kung anu-anong bayarin ang mga water concessionaires kung naibabalik nang maayos  ang serbisyo ng mga ito sa sambayanan.

Ginagamit aniya ng mga mapagsamantalang  negosyante ang tubig dahil walang  magawa ang taumbayan kundi ang sumunod sa dikta ng mga water companies.

Hindi rin naiwasang kuwestiyunin ni Go ang mga kritiko ng Pangulo na mas pinili ngayong  manahimik kaysa sa tulungan ang pamahalaan sa pagkuwestiyon sa mga hindi makatarungang kasunduan na napasok ng mga nakalipas na gobyerno sa mga water concessionaires.

191

Related posts

Leave a Comment