Online campaigning unfair – solon PANALO ANG ‘RICH AND FAMOUS’

WALANG ibang makikinabang sa plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagbawal ang face-to-face campaign sa susunod na eleksyon kundi ang mayayamang kandidato.

Ito ang pahayag ng militanteng grupo sa Kamara kaya hiniling ng mga ito sa Comelec na ikonsidera ang kanilang plano dahil kung hindi ay mas lalong mawawalan ng pag-asa ang mga kandidatong walang sapat na pondo.

“If this happens then the next elections will just become a contest for the rich and famous while more Filipinos are disenfranchised,” ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate.

Ayon sa mambabatas, masyadong mahal ang mangampanya sa pamamagitan ng political ads at tanging ang mayayamang kandidato ang may kakayahang gumastos.

Dahil dito, kailangang ikonsidera umano ng Comelec ang kanilang plano dahil sa susunod na taon pa naman aniya magsisimula ang pormal na pangangampanya partikular na sa ikalawang linggo ng Pebrero 2021. (BERNARD TAGUINOD)

71

Related posts

Leave a Comment