(NI NOEL ABUEL)
ISINUSULONG ni opposition Senator Leila de Lima ang panukalang nagbabawal sa black sand mining operations sa bansa dahil sa masamang epekto nito sa kalikasan at kalusugan ng mga residenteng naninirahan malaria dito.
Sinabi ni De Lima, chairman ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, at may-akda ng Senate Bill (SB) No. 1075 na humihiling na patawan ng mabigat na parusa at multa ang sinumang sangkot sa black sand mining sa mga coastal areas ng bansa.
“Sad to say, notwithstanding the alarming adverse effect of exploration and extraction of black sand or magnetite on the environment and human life, and despite government efforts to curb illegal activities relative thereto, black sand mining operations have been proliferating in different parts of the county,” aniya.
Base umano sa mga pag-aaral na ginawa ng mga environmental groups, malaki ang epekto ng black sand mining sa pagkawala ng mga isda at pagguho ng lupa.
Inihalimbawa pa ni De Lima ang sitwasyon sa probinsya ng Cagayan kung saan gumuho at nasira ang mga bahay dahil sa epekto ng illegal mining ng black sand sa nasabing lugar.
“One of the areas affected by black sand mining operations showed a growing number of cases of skin and lung diseases attributed to the black sand mining and noted other related diseases such as severe eye irritation and hernia,” dagdag pa ni De Lima.
444