OVER SUPPLY ng manok ang sinasabing dahilan para malugi ang mga local farmers at negosyante kung saan bumabaha sa merkado ng mga imported na baboy at manok na magsimulang dumating sa bansa noong nakaraang taon.
Kasabay nito, hiniling ng mga local farmers na pansamantalang itigil ang importasyon ng manok dahil lubhang apektado ang kanilang estado.
Sinabi ni Gregorio San Diego, chairman ng United Broiler Raisers Assocation, napipilitan umano silang ibenta ang bagong katay nilang manok sa murang halaga para lamang makasabay sa sobra-sobrang supply ng manok. Mas malaki din umano ang ikalulugi nila kung ipagpapaliban ang pagkatay sa mga alagang manok sahil sa gastos at pakain.
“Sana naman ‘pag ganitong panahon na sobra-sobra [ang supply], suportahan ang local farmers… Marami na sa amin ang tumigil, hindi kaya e, lugi ka nang lugi,” sabi ni San Diego.
Gayon man, nakapagtataka umanong hindi bumababa ang presyo ng manok sa merkado gayong sobra sobra ang supply nito.
Noong Lunes ay nasa P145 umano ang kada kilo sa bentahan sa merkado gayong P67 lamang umano ang farm gate price.
“Sana naman iyung mga Filipino consumers makinabang doon sa lugi namin, e hindi nakikinabang. Maliit na portion lang ng industriya ang nakikinabang sa aming kalugihan dahil hindi naipapasa sa consumer iyung mababang presyo,” ani San Diego.
209