13 BAYAN SA ILOILO NASA ELECTION HOTSPOTS

iloilo

LABING-TATLONG bayan sa Iloilo ang mahigpit na tinututukan ngayon ng Philippine National Police matapos ideklarang nasa election watchlist area ng Commission on Elections (Comelec).

Sinabi ni Supt. Bonifacio Ancajas, deputy provincial director for operations ng Iloilo PNP, ito ay bunga ng mga election related violence kung saan maraming karahasan na ang sumiklab hindi pa man nagsisimula ang pormal na election campaign period.

Kabilang sa mga nasa listahan ang: Maasin, New Lucena, Lambunao; San Enrique, Dingle, Anilao, Bingawan, Ajuy, Sara, Lemery, San Dionisio, Concepcion at Estancia.

Kaugnay nito, nagbabala si Ancajas sa mga pulitiko at kandidato na may maruruming plano na huwag ng ituloy para sa malinis at mapayapang halalan

7

Related posts

Leave a Comment