WALANG PINSALA SA 5.9 LINDOL SA DAVAO ORIENTAL

davao

WALANG naitalang pinsalang dulot ng 5.9 lindol na tumama sa Davao Oriental Miyerkoles ng madaling araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) said.

Naramdaman ang lindol bandang alas-4:03 ng madaling araw may 127 kilometro  sa southeast ng Governor Generoso town.

Sinabi ng Phivolcs na tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 114 kilometers at sinasabing aftershock pa ng magnitude 7.2 earthquake na tumama sa Davao Oriental noong December 29.

Naramdaman naman ang Intensity 4 Davao City at San Josefa, Agusan del Sur.

Intensity 3 sa Alabel, Sarangani habang intensity 2 sa General Santos City, Kiamba, Sarangani, Kidapawan City, Gingoog City, at Tupi, South Cotabato.

212

Related posts

Leave a Comment