NAGSIMULA na ng Sabado ang isang buwan na absentee voting para sa 1.8 milyong manggagawang Pinoy sa ibang bansa para pumili ng mga kandidato sa midterm elections.
Halos lahat sa mga ito ay land-based workers habang higit sa 43,000 ang sea-based workers.
Hinimok din ng Commission on Elections (Comelec) ang mga Filipino sa ibang bansa na lumahok at kunin ang karapatang bumoto at makiisa sa isang buwan na absentee voting.
Inaasahan ng poll body na tumaas ang laging napakababang turnout ng boto sa mga overseas voters gayong tumaas ang bilang ng mga bagong botante.
Sa nakalipas na dalawang midterm polls, tanging 16 porsiyento lamang ang nakiisa sa botohan.
Umaasa rin si Comelec overaseas voting head Elaiza David sa kahit na 25 porsiyentong bilang ng mga lalahok sa absentee voting.
291