P1-M BALA SA 6 BALIKBAYAN BOX NASABAT

ammo200

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang may P1 milyon halaga ng high-end ammunition at magazine  na ipinuslit sa Pilipinas sa pamamagitan ng anim na balikbayan box sa Manila International Container  Port bago pa mag Pasko .

Nakadeklara umano ito bilang 390 packages ng personal na gamit,household goods ,hinaluan ng tatlong t-shirts,tatlong bottled water at isang bote ng hot sauce.Nabatid kay BOC Intelligence Officer Alvin Enciso,ang ganitong uri ng bala ay mamahalin at mayroong malaking demand sa bansa.

Ayon kay Enciso ang balikbayan box ay naka address kay Lario Vecencio sa Zambales,pero dahil sa walang nagki-claim nito ibinalik ito ng forwarder sa bodega sa Paranaque City noong Disyembre 19 at dito na ito binuksan ng CIIS.

Nalaman na si Vecencio ay naaresto noong Setyembre dahil rin sa pagpupuslit ng mga bala sa Pilipinas sa pamamagitan ng balikbayan box na isang paglabag sa firearms and ammunition law.Patuloy naman pinaghahanap ng awtoridad ang isang Arnel Velasco kung saan naka consignee ang kontrabando. (Samantha  Mendoza)

13

Related posts

Leave a Comment