(NI ROSE PULGAR)
PUWEDE nang mabawi ng mga pasahero ng kumpanyang Grab ang refund matapos na ippag-utos ng Philippine Competition Commission.
Sa anunsiyo ng Grab na may tanggapan Chino Roces Avenue Makati City , sakop nito ang mga pasahero sa Metro Manila na nag-book ng biyahe sa kanila simula noong Pebrero 10 hanggang Mayo 10 nang taong kasalukuyan at Mayo 11 hanggang August 10 ngayong taon.
Base sa report , umaabot sa P5.05 milyon ang ire-refund ng Grab para sa mga kumuha ng serbisyo ng GrabCar sa nasabing petsa.
Habang nasa P14.15 milyon naman ang isasauli sa mga sumakay sa GrabCar sa Metro Manila noong Mayo 11 hanggang Agosto 10.
Makukuha ito ng mga pasahero sa pamamagitan ng kanilang GrabPay wallet account simula sa katapusan ng taon.
Una rito, pinatawan ng multa ng Phil Competition Commission ang Grab dahil sa overpricing sa presyo ng kanilang serbisyo at mas malaking bilang ng kanselasyon ng mga booking sa biyahe.
Ang pasahero na gumastos ng kabuuang P1,200 sa Grab car noong Pebrero 10 hanggang Mayo 10 at kabuang P450 noong Mayo 11 hanggang Agosto 10 ay kuwalipikadong makatanggap ng tig-PISONG refund sa kanilang GrabPay Wallet.
Pinayuhan naman ng Grab ang mga pasahero nila na makipag ugnayan sa kanila para sa anumang tanong gamit ang help center sa kanilang mobile application.
282