P156-M TRAINING FACILITY NG PCG BUKAS NA

pcg

(NI JESSE KABEL)

PINASINAYAAN kahapon ng United States Government at Philippine Coast Guard ang P 156 million ng Outboard Motor Center Training Facility para sa PCG sa Balagtas, Bulacan.

Ayon sa U.S. Embassy dito sa Pilipinas ang bagong training facility ay isang joint project ng  U.S Coast Guard, ang JIATF-W, Joint U.S Military Assistance Group (JUSMAG) at ng U.S Department of State Bureau of International Narcotics at ng Law Enforcement Affairs .

Sinasabing sa pamamagitan ng Outboard Motor Center of Excellence ay mapapaigting ng Philippine Coast Guard ang kanilang kasanayan at mapapalakas ang kanilang kapasidad sa pagsasanay ng mga tauhan nito at mga kagamitan.

Kasama sa itinayong center for excellence ang  mga classroom, barracks at outboard motor maintenance lab na pinangangasiwaan ng U.S Naval Facilities Engineering Command.

Kabilang sa mga dumalo s anasabing pagpapasinaya sina sina Coast Guard Commandant, Admiral Elson E Hermogino, United States Embassy Deputy Chief of Mission John C Law at si Deputy Director of the Joint Interagency Task Force-West (JIATF-W) Earl Hampton.

171

Related posts

Leave a Comment