P16-B FOREIGN INVESTMENT NG SSS SA ‘PINAS DAPAT ILAAN 

sss20

(NI BERNARD TAGUINOD)

NANGHIHINAYANG ang isang mambabatas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa plano ng Social Security System (SSS)  na mag-invest ng P16 bilyon  sa ibang bansa gayung mas kailangan dito ang nasabing puhunan.

Kasabay nito, sinabi ni Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao na tila wala sa hulog ang SSS dahil kahit tumaas umano ang kanilang kinita noong 2018 ay itinutuloy pa rin ng mga ito ang pagdagdag ngn kontribusyon sa kanilang miyembro.

Ayon sa mambabatas, nagpaplano umano ang SSS na mag-invest ng $200 hanggang $300 milyon sa ibang bansa o katumbas ng P10.6 bilyon hanggang P15.9 bilyon sa palitang P53 kada isang US dollar.

“Imagine that they intend to invest $300 million overseas, when our country badly needs it for genuine national development, and as consequence, they are just securing the giant profits of foreign big businesses, while its poor members succumb to increasing contribution rates,” ani Casilao.

Kung ipupuhunan umano ang nasabing halaga sa agricultural sector o kaya sa ibang industriya na kumikita at mapapakinabangan pa ng mamamayang Filipino ay malaking tulong ito aniya ito.

Dahil dito, hindi naitago ng mambabatas ang panghihinayang sa nasabing halaga na pakikinabangan lamang ng mga dayuhang negosyante.

Samantala, bagama’t ipinagmalaki umano ng mga SSS executives na tumaas ang kanilang koleksyon noong 2018 subalit itutuloy pa rin ng mga ito ang pagtataas ng premium o kontribusyon ng mga miyembro.

Nabatid na noong 2018 ay umabot sa P181.92 bilyon  ang kanilang koleksyon o mas mataas ng P22.2 bilyon  sa P152.72 bilyon  na nakolekta ng mga ito dahil sa kanilang  Run After Contribution Evaders (Race) campaign.

Gayunpaman, imbes na ito anya ang ginagamit para sa dagdag na pensyon ng mga SSS members ay itinulak pa ng mga ito ang bagong batas na magbibigay sa kanila ng kapangyarihan na itaas ng hanggang 15% ang kontribusyon simula ngayong taon hanggang 2015 mula sa kasalukuyang 11%.

 

 

71

Related posts

Leave a Comment