PAGBAWI SA SCHOLARSHIP LABAG SA BATAS

doj

(NI TERESA TAVARES)

PAGLABAG sa Konstitusyon ang plano ni National Youth Commission (NYC) chair Ronald Cardema na bawiin ang scholarship ng mga estudyante na itinuturing na “anti-government”.

Mahigpit na ipinaalala ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NYC na labag sa constitutional rights ng mga estudyante ang sipain sa state colleges and universities dahil sa paglahok sa mga kilos-protesta.

Ipinaalala ng DoJ na pagkitil sa karapatan sa freedom of speech at expression ng mga kabataan kung itutuloy ang naturang mungkahi.

Una nang nagbanta si Cardema na ang mga scholar na kumokontra sa gobyerno, partikular ang mga nauugnay sa Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA), at  National Democratic Front (NDF), ay tatangalin sa mga state college at universities.

Sinabi ni Guevarra, dapat pa nga ipagmalaki ng mga state university at college ang kanilang mga estudyante na naghahayag ng kanilang paninindigan sa mga  mahahalagang isyu sa lipunan.

74

Related posts

Leave a Comment