P1O-M REWARD SA PAGDAKIP KAY ACIERTO

aciero12

MAGBIBIGAY ang gobyerno ng P10 milyon reward sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ni dating police officer Eduardo Acierto, isa sa umano’y nagpuslit ng bilyong pisong halaga ng shabu sa bansa sa pamamagitan ng magnetic filters.

Kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra na ang reward ay galing sa gobyerno.

Gayunman, hindi umano batid ng kalihim kung saan kukuning pondo ang P10 milyon.

“The bounty is from Malacañang, so I’m not privy to where it will be sourced. It’s not from DOJ because such amount is certainly much larger than what the DOJ could offer,” sabi ni Guevarra.

Iginiit din ni Gueverra na hindi nakapokus ang DOJ sa reward money kundi sa mga protektor at kumakalinga kay Acierto.

“We will have them (coddlers) wherever Acierto may be found hiding and brought to inquest immediately,” sabi pa nito.

Noong Marso, humarap si Acierto sa ilang miyembro ng media kung saan ibinunyag nito na ang dalawang Chinese national na sina Michael Yang at Allan Lim, na umano’y sangkot sa illegal drug trade, ay madalas kasama ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Yang ay nagsilbing economic consultant ng gobyerno.

163

Related posts

Leave a Comment