P2–B BUWIS ‘DI BINABAYARAN NG GAMBLING OPERATORS

bir1

(NI NELSON S. BADILLA)

KINUMPIRMA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagsasagawa ito ng imbestigasyon upang alamin kung sinu-sino sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) ang kasama sa hindi nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

Sa impormasyong nabatid ng BIR mula sa Department of Finance (DOF), umaabot sa P2 bilyon ang hindi nababayarang buwis ng POGOs.

Samantalang sa rekord ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), hindi maipagkakailang palaki nang palaki ang kita ng POGOs: P657 milyon noong 2016; P3.924 bilyon noong 2017; at P7.365 bilyon nitong 2018.

Kaya, nagtataka ang BIR at DOF kung bakit napakalaki ng agwat ng kita at buwis na hindi nababayaran.

Inaasahang tataas pa ito ngayong 2019, sapagkat ayon sa DOF at BIR ay palakas nang palakas ang negosyo ng POGOs.

Ang isang gaming o gambling operator ay kailangang rehistrado sa BIR bago aprubahan ng PAGCOR ang operasyon nila.

Ayon kay BIR Deputy Commissioner Arnel Guballa, iimbestigahan ng BIR ang POGOs upang malaman kung bakit P2 bilyon ang hindi nababayarang buwis taun-taon mula sa POGOs alinsunod sa rekord ng DOF.

Sa talaaan ng BIR, mayroong 54 POGOs.

Sa bilang na ito, 10 ang may opisina rito sa bansa, samantalang 44 ang nasa labas ng bansa.

Sa bilang ding ito, pitong Filipino operator at walo ang dayuhan ang rehistrado sa BIR.

Ito’y sa kabila ng abiso ng BIR sa POGOs sa nakalipas na taon na magparehistro sa BIR ng kanilang kompanya bago sila bigyan ng PAGCOR ng lisensya upang makapagnegosyo.

Ayon kay Guballa, iimbestigahan ang mga usaping nakabalot sa POGOs upang matukoy kung sinu-sino ang sangkot sa P22 – bilyong tax evasion laban sa pamahalaan.

 

166

Related posts

Leave a Comment