NEXT MOVIE NI JOHN LLOYD CRUZ, SI MILES OCAMPO ANG MAGSUSULAT?

I SAY(NI RK VILLACORTA)

MAHIGIT  isang taon ding hindi nagparamdam si Papa John Lloyd Cruz sa showbiz mula noong 2017.

Madalang siyang napagkikita sa iilang okasyon pero hindi naman ito nagpa-interview tulad sa opening ng isang art show sa UP Diliman na dinaluhan niya.

Pinangatawanan niya ang kanyang pag-ibig kay Ellen Adarna na nagbunga ng isang baby boy. Paroo’t parito siya sa Cebu at sa Manila at kung minsan ay sa airport siya nakikita.

Isa si Lloydie sa mga artista na mahalaga sa showbiz. Love siya ng mga fans kahit nang-iwan para sa personal na kaligayahan.

Kaya nang magparamdam ang isang food company na magbabalik ang aktor, marami ang na-excite.

Nang biglang nag-viral  ang online ad ng naturang food company, nagkagulo ang sambayanan.

Is he coming back to acting? Sa showbiz? Babalik ba muli si JLC sa pag-arte?

Bago pinagpistahan ang TVC niya online, may bulong na magbabalik siya sa “Home Sweetie Home” with Toni Gonzaga, playing his wife na pansamantala ay inilagay si Piolo Pascual na playing pinsan niya at ngayon  ay nanliligaw kay Toni.

Babalik ba siyang muli sa pag-arte? May paramdam. Sana matuloy.

Nagkita sila ni Miles Ocampo na dating kasamahan niya sa naturang sitcom. Alam ng aktor na nag-aaral si Miles ng Creative Writing sa UP Diliman kaya malaki ang chance na bahagi ng pag-uusap nila ay ang script na isusulat ni Miles at si Lloydie ang magbibida rito.

Proud ang dalaga sa mga pangyayari. Yes, may magbabalik sa showbiz. At sa pag-arte.

Kung kailan at kung anong project, abangan natin. Who knows, baka ang script na isusulat ni Miles ang panimula sa pagiging aktibo muli ng aktor sa showbiz.

                                                                                               ###

Tila balik muli ang pagiging aktibo ng aktres na si Maricel Soriano sa showbiz.

Akala ko nga noong una, maiksi lang ang appearance niya sa top rated na primetime serye ng Kapamilya Network na “The General’s Daughter” ni Angel Locsin kung saan ay gumaganap siya bilang nanay ni Arjo Atayde. Pero habang tumatagal ang palabas at mas marami ang nagkakainteres, tila nadudugtungan ang kuwento at karakter ng mga kasama sa palabas na siyang kadalasang nangyayari.

Last Tuesday, si Marya, kasama sina Janella Salvador, Carmina Villaroel, at McCoy de Leon ay nagkaroon ng story conference para sa pelikulang The Heiress na isang horror movie na ipo-produce ng Regal Films. Ilalahok ito nina Mother Lily Monteverde at Miss Roselle Monteverde sa darating na MMFF 2019.

Sa pelikula, Marya plays a mambabarang (witch) na ipinapamana sa anak niya na si Janella ang kanyang  black magic power. Sa panulat ni Gina Marissa-Tagasa, ididirek ito ni Frasco Mortiz.

 

163

Related posts

Leave a Comment