(NI ESTONG REYES)
HINILING ni Senador Francis Pangilinan na kaagad magpalabas ng P20 bilyon upang ayudahan ang naluluging magsasaka sa pagpapatupad ng Rice Tariffication Law.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan na lubhang naapektuhan ang mga lokal na magsasaka sa pagdagsa ng imported rice kaya dapat ayudahan sila ng pamahalaan.
“Filipino farmers hurting from the deluge of imported rice should immediately get P20 billion emergency cash assistance from collected tariffs and unprogrammed funds under the Rice Tariffication Act, ayon kay Pangilinan.
Sinabi ni Pangilinan na kailangan nang ipalabas ang cash relief assistance upang maiahon sila sa pagkalugi na tinatayang aabot ng P60 bilyon dahil bumagsak ang presyo ng palay sanhi ng rice tariffication law.
“Nandito tayo sa isang emergency situation. Ang kailangang dapat bigyang-pansin agad ay ang kalagayan ng ating mga magsasaka lalo na ngayong lean months at lalo na kapag dumagsa na ang bulto ng aanihin mula sa darating na September hanggang December,” ayon kay Pangilinan.
Sa kanyang privilege speech sa Senado nitong Martes, ipinanukala ni Pangilinan ang ilang pamamaraan upang masagip ang magsasaka at ang rice industry.
Nilagdaan nitong Pebrero ang Republic Act 11203 o ang Rice Tariffication Law na naghawan sa pag-aangkat ng bigas na may 35% taripa.
Inilaan ng batas ang P10 bilyong subsidy na ibibigay sa farm sector upang ipambili ng farm equipment, research and seed input, credit, at trainings and seminars.
“This amount is unprogrammed in the 2019 budget, and I suggests that this P10 billion be given directly to rice farmers together with the P10-billion tariff already collected by the government, making available a total of P20 billion for immediate cash assistance to rice farmers,” ayon kay Pangilinan.
320