WALANG dapat ikabahala ang mga maliliit na operators at tsuper ng pampasaherong jeep sa pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa Enero dahil mamamahagi ang pamahalaan ng P20,000 bawat isa sa kanila.
Ang P20,000 ay siyang laman ng proyektong “Pantawid Pasada” ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Sa Enero, ipatutupad na ng Department of Finance (DOF) ang karagdagang P2 excise tax sa li-tro ng produktong petrolyo alinsunod sa implementasyon ng ikalawang tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Isa pang dahilan na nakikitang magtutulak pataas sa presyo ng mga produktong petrolyo ay ang pagmahal sa presyo nito sa international market dulot ng malaking pagbabawas ng produksiyon ng langis ng oil-producing countries.
Dahil sa mga ito, kinakabahan ang mga jeepney operators at drivers.
Layunin ng pamahalaan na lalo pang lumaki ang makokolektang buwis dahil ipantutustos ito sa mga proyekto ng administrasyong Duterte sa ilalim ng programang “Build, Build, Build” (BBB).
“As we prepare for 2019, the Pantawid Pasada fuel subsidy distribution will continue. As an-nounced, the subsidy will be in the original amount that was proposed which is something like PHP 20,000,” banggit ni LTFRB Chairman Martin Delgra III.
Sinimulan ng LTFRB ang Pantawid Pasada noong Hulyo ng taong kasalukuyan.
184